Thursday, July 14, 2022

Ikaw

IKAW
Tula ni Vladimir Mayakovsky, 1922
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

Dumating ka -
determinado,
sapagkat malaki ako,
sapagkat ako’y umuungol,
ngunit sa malapitang inspeksyon
nakikita mo’y isang batang lalaki.
Kinuha mo
at inagaw ang puso ko
at sinimulan
itong paglaruan -
parang babaeng may bolang tumatalbog.
At bago ang himalang ito
bawat babae
ay maaaring babaeng nagtataka
o kaya’y dalagang nagtatanong:
"Ibigin ang taong ganyan?
Bakit, susuntukin ka niyan!
Dapat niyang mapaamo ang leyon,
isang babae mula sa palahayupan!"
Ngunit nagtagumpay ako.
DI ko iyon naramdaman -
ang pamatok!
Nalilito sa tuwa,
ako'y tumalon 
at napalundag, sa namumulang balat ng masayang katipan,
Nakaramdam ako ng sobrang tuwa
at gaan ng loob.

* Isinalin: Hulyo 14, 2022
* Hinalaw sa Vladimir Mayakovsky Internet Archive
* Litrato mula sa google

YOU
Poem by Vladimir Mayakovsky, 1922

Source: The Bedbug and selected poetry, translated by Max Hayward and George Reavey. Meridian Books, New York, 1960;
Transcribed: by Mitchell Abidor.

You came –
determined,
because I was large,
because I was roaring,
but on close inspection
you saw a mere boy.
You seized
and snatched away my heart
and began
to play with it –
like a girl with a bouncing ball.
And before this miracle
every woman
was either a lady astounded
or a maiden inquiring:
“Love such a fellow?
Why, he'll pounce on you!
She must be a lion tamer,
a girl from the zoo!”
But I was triumphant.
I didn’t feel it –
the yoke!
Oblivious with joy,
I jumped
and leapt about, a bride-happy redskin,
I felt so elated
and light.

Sunday, July 3, 2022

Hiyaw upang maningil

HIYAW UPANG MANINGIL!
Tula ni Vladimir Mayakovsky 
Isinalin sa Ingles ni Lika Galkina kasama si Jasper Goss, 2005.
Malayang salin sa wikang Filipino ni Gregorio V. Bituin Jr.

Ang gardang ng digmaan ay dumadagundong ng dumadagundong.
Inihihiyaw nito: itulak ang bakal sa mga buhay.
Mula sa bawat bansa
alipin sa alipin
na itinapon sa bayonetang bakal.
Para sa kapakanan ng ano?
Nayayanig ang lupa
sa gutom
at hinubaran.
Sumisingaw ang sangkatauhan sa dugong nagsidanak
kaya lang
sinuman
saanman 
ay maaaring makaapak sa Albania.
Mga pulutong ng taong gapos sa masamang hangarin,
yaong upak nang upak sa mundo
para lamang
sa sinumang ang sinasakyan
ay makadaan nang walang bayad
sa pamamagitan ng Bosporus.
Nalalapit na
ang daigdig
ay hindi magkakaroon ng tadyang na buo.
At ang diwa nito’y bububutin.
At tatapak-tapakan
para lang sa sinuman,
ilalatag
ang kanilang kamay
sa Mesopotamia.
Bakit nangyaring 
isang bota
ang bumagsak sa Daigdig — bitak at magaspang?
Ano ang nasa itaas ng labanan sa alapaan -
Kalayaan?
Bathala?
Salapi!
Kailan ka titindig ng buo mong taas,
ikaw,
na inalay ang buhay mo sa kanila?
Kailan ka magbabato ng tanong sa kanilang mukha:
Bakit tayo naglalabanan?

* Talasalitaan
gardang – salitang Ilokano ng tambol, ang tambol naman ay mula sa wikang Espanyol na tambor

* Isinalin noong ikatlo ng Hulyo, 2022
* Litrato mula sa google

CALL TO ACCOUNT!
by Vladimir Mayakovsky
translated by Lika Galkina with Jasper Goss, 2005.

The drum of war thunders and thunders.
It calls: thrust iron into the living.
From every country
slave after slave
are thrown onto bayonet steel.
For the sake of what?
The earth shivers
hungry
and stripped.
Mankind is vapourised in a blood bath
only so
someone
somewhere
can get hold of Albania.
Human gangs bound in malice,
blow after blow strikes the world
only for
someone’s vessels
to pass without charge
through the Bosporus.
Soon
the world
won’t have a rib intact.
And its soul will be pulled out.
And trampled down
only for someone,
to lay
their hands on
Mesopotamia.
Why does
a boot
crush the Earth — fissured and rough?
What is above the battles’ sky -
Freedom?
God?
Money!
When will you stand to your full height,
you,
giving them your life?
When will you hurl a question to their faces:
Why are we fighting?

Tuesday, June 7, 2022

Ang aming martsa

ANG AMING MARTSA
ni Vladimir Mayakovsky
Hinalaw sa salin sa Ingles ni Dorian Rottenberg. Progress Publishers, Moscow, 1972;
Isinalin sa wikang Filipino ni Gregorio V. Bituin Jr.

Ikumpas ang mga parisukat sa padyak ng mga rebelde!
Pataasin pa, mga tanod ng palalong ulo!
Huhugasan natin ang mundo ng pangalawang delubyo,
Ngayon na ang panahon ng pagdating ng kinatatakutan.
Masyadong mabagal, ang kariton ng mga taon,
Ang mga bakang kapon ng tag-araw – masyadong malungkot.
Ang aming diyos ang diyos ng bilis,
Ang aming puso — ang aming tambol ng pakikibaka.
Mayroon bang bulawang mas banal pa kaysa amin?
Anong putakti ng punglo ang maaaring makapanduro sa amin?
Awit ang aming armas, ang kapangyarihan ng mga kapangyarihan,
Ang aming bulawan — ang aming tinig — pakinggan lamang kaming umawit!
Kaparangan, humiga kang luntian sa lupa!
Sa seda hahanay ang aming araw-araw!
Bahaghari, magbigay ng kulay at kabilugan
Sa talampakang-plota ng kabayo ng panahon.
Namumuhi sa amin ang langit na may mabituing alindog.
Ay! Kung wala iyon ay maaaring mabuhay ang mga awit namin.
Hoy, Dawong-dawungan, hilingin mong
Dalhin kami ng buháy sa langit!
Magsiawit, sa tuwa’y lumagok ng lumagok,
Patuyuin ang tagsibol sa pamamagitan ng tasa, hindi ng didal.
Patindihin ang pagtibok ng iyong puso!
Nang dibdib nami’y maging pompiyang na tanso.

Talasalitaan
oxen - bakang kinapon, uri ng kinapon na lalaking baka, UP Diksiyonaryong Filipino, pahina 860
gold – bulawan, ibid. p. 203
Ursus Major - Big Dipper, dawong-dawungan, ibid., p. 1309
steed - kabayo, mula sa English-Tagalog Dictionary ni Leo James English, p. 428
cymbal - pompiyang, ibid., p. 222
fleet - plota, hukbong-dagat, mula sa Diksyunaryong Ingles-Filipino, ni Felicidad T. E. Sagalongos, p. 190

06.08.2022

* ang litrato'y mula sa google

OUR MARCH
by Vladimir Mayakovsky
Source: Poems, Translated by Dorian Rottenberg. Progress Publishers, Moscow, 1972;
Transcribed: by Mitch Abidor

Beat the squares with the tramp of rebels!
Higher, rangers of haughty heads!
We'll wash the world with a second deluge,
Now’s the hour whose coming it dreads.
Too slow, the wagon of years,
The oxen of days — too glum.
Our god is the god of speed,
Our heart — our battle drum.
Is there a gold diviner than ours/
What wasp of a bullet us can sting?
Songs are our weapons, our power of powers,
Our gold — our voices — just hear us sing!
Meadow, lie green on the earth!
With silk our days for us line!
Rainbow, give color and girth
To the fleet-foot steeds of time.
The heavens grudge us their starry glamour.
Bah! Without it our songs can thrive.
Hey there, Ursus Major, clamour
For us to be taken to heaven alive!
Sing, of delight drink deep,
Drain spring by cups, not by thimbles.
Heart step up your beat!
Our breasts be the brass of cymbals.

Sunday, August 5, 2018

Saloobin sa isang Binibini

Saloobin sa isang Binibini
ni Vladimir Mayakovsky
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

Pinaghalawan: marxists.org

Ang gabing iyon ay pagpapasiya
kung siya at ako
ay magiging magkasintahan.
Sa lambong
ng kadiliman
walang makakita, nakikita mo.
Yumukod ako, iyon ang totoo
at tulad ng ginawa ko,
iyon ang totoo, isinusumpa ko,
sabi ko
tulad ng isang mabait na magulang:
"Ang pag-ibig ay isang kahibangan -
kaya maaari bang
lumayo ka?
Lumayo ka,
pakiusap! "

Attitude To A Miss
by Vladimir Mayakovsky

Source: 20th Century Russian Literature.

That night was to decide
if she and I
were to be lovers.
Under cover
of darkness
no one would see, you see.
I bent over her, it’s the truth,
and as I did,
it’s the truth, I swear it,
I said
like a kindly parent:
“Passion’s a precipice –
so won’t you please
move away?
Move away,
please!”

Sunday, June 19, 2011

Pakikipagtalastasan kay Kasamang Lenin

PAKIKIPAGTALASTASAN KAY KASAMANG LENIN (1929)
Tula ni Vladimir Mayakovsky
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

Pinaghalawan: Panitikang Ruso ng ika-20 Siglo

Sa pag-inog ng mga pangyayari,
                  na tambak ng sangkaterbang gawain,
unti-unting lumulubog ang araw
                    habang palubog na rin ang anino ng gabi.
May dalawang tao sa silid:
                          ako
                          at si Lenin -
isang larawan
            sa kaputian ng dingding.

Sumirit pataas ang pinaggapasan
                        sa ibabaw ng kanyang labì
habang namutawi ang talumpati
            sa kanyang bibig.
                                Ang malalang
gatla sa kanilang noo
              ay may diwang
                          mahigpit nilang tangan,
ang noo nilang napakalapad
             ay tinutumbasan ng napakalawak nilang diwa.
Isang gubat ng mga bandila,
               singkapal ng damo ang nakataas nilang kamay...
Libu-libo ang nagmamartsa
                      sa ilalim niya...
                                   Nakalulan,
nag-aalab sa ligaya,
                bumangon ako mula sa aking kinalalagyan,
upang makita lamang siya,
               papurihan siya,
                       mag-ulat sa kanya!
“Kasamang Lenin,
               ako'y nag-uulat sa iyo -
(di dahil dikta ng opisina,
                     ang puso’y nadidiktahang mag-isa)

Ang napakatinding gawaing itong
               dapat nating gampanan

ay dapat magawa
           at ginagawa na.
Pinakakain namin at dinadamitan
                      at binibigyang-liwanag ang nangangailangan,

ang mga kota
         para sa uling
                 at para sa bakal
                            ay nagampanan,
ngunit mayroong itong
           di madalumat
                     na pagdurugo
marumi
    at walang saysay
                pa rin sa ating paligid.

Kung wala ka,
           napakarami
                      ang hindi na napanghawakan,

ang isa’y natulak
              ng mga pag-aaway
                                 at pagbabangayan.
Maraming mga
           taong hamak
                    na nasa ating mga lupain,

nasa labas ng hangganan
                  at narito rin
                          sa loob.

Subukan mong
     bilangin sila
              at
                 italâ sila -
                          wala yaong paroroonan,

naroon ang lahat ng tipo,
                at sila’y
                            singkapal ng kulitis:
ang mga panggitnang magsasaka,
      ang mga may disiplinang bakal,
                at,
                    sa baba ng hanay,
ang mga lasenggo,
         ang mga sektaryan,
                   ang mga sipsip.
Gumigiri-giri sila sa paligid
                 nagmamalaking
                        tulad ng pabo,
ang mga tsapa at pluma’y
                        nagkalat sa kanilang dibdib.
Gagapiin natin ang karamihan sa kanila -
                         ngunit
                            ang sila’y gapiin
ay di madaling gawin
             sa pinakainaman nito.
Sa mga lupaing nagyeyelo
                     at sa mga pinaggapasang palayan,
sa mga plantang mauusok
              at sa mga pabrika,
narito ka sa aming puso,
                     Kasamang  Lenin,
                                    kami'y nagtatatag,
kami'y nag-iisip,
          kami'y humihinga,
                  kami'y nabubuhay,
                          at kami'y lumalaban!”
Sa pag-inog ng mga pangyayari,
                  na tambak ng sangkaterbang gawain,
unti-unting lumulubog ang araw
                    habang palubog na rin ang anino ng gabi.
May dalawang tao sa silid:
                          ako
                          at si Lenin -
isang larawan
            sa kaputian ng dingding.
-
-
-
-

Conversation with Comrade Lenin (1929)
Poem by Vladimir Mayakovsky

Source: 20th Century Russian Literature.

Awhirl with events,
                  packed with jobs one too many,
the day slowly sinks
                   as the night shadows fall.
There are two in the room:
                          I
                           and Lenin-
a photograph
            on the whiteness of wall.

The stubble slides upward
                        above his lip
as his mouth
            jerks open in speech.
                                The  tense
creases of brow
              hold thought
                          in their grip,
immense brow
             matched by thought immense.
A forest of flags,
               raised-up hands thick as grass...
Thousands are marching
                      beneath him...
                                   Transported,
alight with joy,
                I rise from my place,
eager to see him,
               hail him,
                       report to him!
“Comrade  Lenin,
               I report to you -
(not a dictate of office,
                     the heart’s prompting alone)

This hellish work
                that we’re out to do

will be done
           and  is already being done.
We  feed and we clothe
                      and give light to the needy,

the quotas
         for coal
                 and for iron
                            fulfill,
but there is
           any amount
                     of bleeding
muck
    and  rubbish
                around  us still.

Without you,
           there’s many
                      have got out of hand,

all the sparring
             and  squabbling
                                 does one in.
There’s scum
           in plenty
                    hounding our land,

outside the borders
                  and  also
                          within.

Try to
     count ’em
              and
                 tab ’em -
                          it’s no go,

there’s all kinds,
                and  they’re
                            thick as nettles:
kulaks,
      red tapists,
                and,
                    down the row,
drunkards,
         sectarians,
                   lickspittles.
They strut around
                 proudly
                        as peacocks,
badges and fountain pens
                        studding their chests.
We’ll lick the lot of ’em-
                         but
                            to lick ’em
is no easy job
             at the very best.
On snow-covered lands
                     and on stubbly fields,
in smoky plants
              and on factory sites,
with you in our hearts,
                     Comrade  Lenin,
                                    we  build,
we  think,
          we breathe,
                  we  live,
                          and we fight!”
Awhirl with events,
                  packed with jobs one too many,
the day slowly sinks
                    as the night shadows fall.
There are two in the room:
                          I
                          and Lenin -
a photograph
            on the whiteness of wall.

Ikaw

IKAW Tula ni Vladimir Mayakovsky, 1922 Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. Dumating ka - determinado, sapagkat malaki ako, sapagkat ako...